Kung patuloy ang negosasyon kay Mcgregor, Pacquiao binalaan ng UFC.

MAHAHARAP sa patong-patong na kaso si eight-division world champion Senator Manny Pacquiao kung patuloy itong nakikipagnegosasyon na makaharap si UFC star Conor McGregor na walang pahintulot ng UFC management.

Iginiit ni UFC president Dana White na nakakontrata si McGregor sa UFC at anumang usapin hingil sa kanyang career sa labas ng UFC ay walang saysay at imbalido.

pacman copy

Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

At kung patuloy na babalewalain ni Pacman ang UFC, sinabi ni White na handa siyang magsampa ng kaso laban sa Pinoy champion.

“That would be weird because he’s (McGregor) under contract with us,” sambit ni White. “If that’s true, I will be suing Manny Pacquiao and whoever’s representing him. So, I’m assuming that’s not true,” sambit ni White sa press interview matapos ang isinagawang UFC Fight Night 123 sa Fresno.

Kamakailan, nag-post ng mensahe ni Pacquiao sa kanyang social media account hingil sa posibilidad na laban kay McGregor sa susunod na taon.

Sa panayam ng AFP kay Pacquiao, sinabi niyang nag-uusapa na ang kanyang kampo at grupo ni McGregor para sa kanilang laban sa Abril.

“We have not yet had any follow-up conversations,” pahayag ni Pacquiao sa AFP (via Yahoo).

Huling umakyat sa lona si Pacquiao nitong Hulyo kung saan natamo niya ang unanimous decision na kabiguan kay Olympian Jeff Horn ng Australia sa Brisbane. Naagaw kay Pacman ang World Boxing Organization welterweight sa naturang duwelo.

Inamin ni Pacquiao na masaya siya at isang karangalan na makaharap si McGregor sa boxing ring.

“If we can negotiate it, I have no problem. It is OK with both of us,” pahayag ni Pacquiao.

Huling lumaban sa aktibong boxing si McGregor kontra undefeated champion Floyd Mayeather nitong Agosto. Hindi na rin nagbalik-aksiyon sa octagon ang 28-anyos mula nang makamit ang lightweight title noong November 2016 via second-round TKO kontra Eddie Alvarez.

Laban kay Mayweather, umabot lamang ng ika-10 rounds si McGregor tungo sa 10th round TKO.

Malakas din ang ugong-ugong na hindi na lalaban si McGregor mula nang mapabalita na kumita ito ng US$100 milyon sa duwelo kay ‘Money Man’.

Inamin naman ni White na wala pang iskedyul kung kailan lalaban si McGregor para idepensa ang kanyang korona.

“That’s what we have to figure out,” sambit ni White sa panayam ng AP nitong Biyernes bago ang UFC 218 sa Detroit.

“He’s super famous and super rich,” pahayag ni White.

“He’s going through what guys his age go through when they get this kind of crazy money. You take some time off, blow a bunch of money doing things you never got to do. When you’ve got $100 million, you don’t need to be in a rush.”