AiAi -Geral wedding copy

Ni CHEL QUITAYEN

NAGANAP din sa wakas ang pinakaabangang kasal nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan kahapon sa Christ The King Church sa Quezon City.

Looks simple and sincere ang wedding na ramdam ang happiness ng couple. Suot ng bride ang Frederick Peralta-designed wedding dress na regalo sa kanya ng kaibigang si Marian Rivera. Fresh and fab si Ai Ai sa colorful floral gown na may sweetheart cut neckline at Angelina Jolie–inspired veil.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Inihatid si Ai Ai sa altar ng kanyang anak na si Sancho. Si Sharon Cuneta ang matron of honor. Kabilang sa mga bigating pangalan na dumalo sa kasal sina GMA Network Chairman at CEO Felipe L. Gozon, Ms. Roselle Monteverde ng Regal Films, GMA executive Marivin Arayata, APT Entertainment chairman Antonio P. TuvieraVic Sotto, Pauleen Luna, Piolo Pascual, Rufa Mae Quinto, Marvin Agustin, Eugene Domingo, Nikki Valdez, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, Regine Velasquez-Alcasid at siyempre ang mag-asawang Marian at Dingdong Dantes.

Naki-toast din sa reception ng newlyweds sa Blue Leaf McKinley sa Taguig City ang Sunday PinaSaya co-stars ni Ai Ai na sina Barbie Forteza, Jerald Napoles, Valeen Montenegro, Lovely Abella at Alden Richards.

Sa Europe nakatakdang mag-honeymoon ang mga bagong kasal.