Ni FRANCIS T. WAKEFIELD

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines-Public Affairs Office (AFP-PAO) chief Marine Col. Edgard Arevalo na mayroon nang mga hakbangin ang militar upang mapigilan ang mga dayuhan at lokal na terorista na maglunsad ng anumang pag-atake sa Mindanao, gaya ng nangyari sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ito ang sinabi ni Arevalo makaraang ibunyag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na plano ng teroristang grupo na Daulah Islamiyah na magsagawa ng pag-atake sa isa pang siyudad sa Mindanao.

“We have instituted stringent measures to keep foreign and local terrorists in check,” sabi ni Arevalo. “These include constant coordination with other intelligence agencies of government through established platforms. We have protocols that we observe and continuously undergo updating.”

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Sinabi pa ni Arevalo na sa tulong ng aktibong pakikibahagi ng publiko at mga komunidad ay matitiyak na hindi magtatagumpay ang plano ng mga terorista na maglunsad ng anumang pag-atake.

“But at the end of the day, the active involvement of our people and institutions of government that shall render our security posture strong and effective,” ani Arevalo.

Matatandaang aabot sa 1,000 teroristang miyembro ng Maute—na suportado ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS)—ang pinatay sa pagtatapos ng limang-buwang bakbakan sa Marawi na nagsimula noong Mayo 23.

Nasawi rin sa nasabing bakbakan ang 165 sundalo at pulis at mahigit 40 sibilyan.