Kris Bernal
Kris Bernal

LALO nitong hindi makakalimutan ni Kris Bernal ang pinagbibidahan niyang hit afternoon soap na Impostora dahil binigyan siya ng best actress award. Isa si Kris sa winner ng Best Actress sa ginanap na OFW Gawad Parangal 2017 para sa pagganap sa karakter nina Nimfa at Rosette.

“Maraming salamat po sa lahat ng bumubuo ng #OFWGawadParangal2017 for this #BestActress award for #Impostora. I hope this would be a great starting point for bigger ones! Thank you everyone for making me who I am today,” ang thank you message ni Kris.

Nakakatuwa dahil kasamang binati ng fans ni Kris ang mga ginagampanan niyang karakter na sina Nimfa at Rosette. In fairness, ang husay ni Kris mapa-Nimfa at mapa-Rosette at nag-effort talaga itong maiba ang dalawang karakter, isang bida (Nimfa) at isang kontrabida (Rosette).

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Anyway, naplano na rin ni Kris na after ng taping niya ng Impostora, aalis siya, magbabakasyon sa Iceland para siguro doon abangan at panoorin ang Northern Lights.