Ni MARY ANN SANTIAGO

Paiigtingin ng Manila Police District (MPD) ang kampanya laban sa mga kriminal na nakamotorsiklo ngayong Pasko.

Ayon kay MPD Spokesperson Supt. Erwin Margarejo, magsasagawa ng kaliwa’t kanang checkpoint ang mga pulis upang sitahin ang mga undocumented at hindi rehistradong motorsiklo.

OPLAN BAKAL/SITA - Members of policemen station 5 conduct oplan bakal/sita to the motorists along Kalaw St. Manila as prevention of any transgression. (Dec.7,2017) (photo by Manny Llanes)
OPLAN BAKAL/SITA - Members of policemen station 5 conduct oplan bakal/sita to the motorists along Kalaw St. Manila as prevention of any transgression. (Dec.7,2017) (photo by Manny Llanes)

Usapang Negosyo

₱10 na kita kada pastil, paano nakatulong sa pag-aaral ng isang iskolar sa Maynila?

Sinimulan ang operasyon nitong Biyernes, bandang 4:00 ng hapon hanggang 6 ng gabi, at gagawin itong regular kada linggo ng 11 police stations sa lungsod.

Target ng bawat istasyon na makakumpiska ng 20 undocumented o hindi rehistradong motorsiklo sa buong Kapaskuhan. 

Kaugnay nito, pinayuhan ng MPD ang publiko na maging maingat sa inaasahang paglipana ng masasamang loob.

Kapansin-pansin ang pagdami ng mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo upang manloob o mamaril dahil madali silang makatatakas at nakasuot sila ng helmet upang hindi makilala.

Riding-in-tandem ang nakagawian nang itawag sa mga kriminal na nakamotorsiklo.