Ni Nora Calderon
BINIGYAN ng malakas na palakpakan ng mga nanood ang press preview ng Ang Larawan, isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25.
As early as 10:00 AM, all seats taken na hanggang sa maging standing room only (SRO), kaya at 10:30 AM ay pinasimulan na ng isa sa mga producers ng Culturtain Musical Productions na si Girlie Rodis ang screening.
Simula pa lamang ng musical movie na based sa musical play na A Portrait of the Artist as Filipino ni Nick Joaquin, kaahanga-hanga na agad ang set ng movie in 1941, sa Intramuros. Ang bahay na ginamit sa movie ay kinunan sa Taal, Batangas, pero napakahusay ng editing dahil sa labas ng bahay ay Intrumuros ang makikita.
Alam ng literati ang story ng Ang Larawan dahil ilang beses na itong napanood sa stage play, pero marami pa ang dapat na makapanood nito, lalo na ang millenials. Iba-iba na rin ang gumanap sa role ng magkapatid na Candida at Paula, ni kay Tony Javier na dumating sa buhay nila na gusto nitong baguhin.
Pagkaraan ng matagal-tagal na paghahanda, nabuo rin sa wakas nina Girlie at Ms. Celeste Legapi kasama rin si Rachel Alejandro, ang movie sa mahusay na naidirihe ni Loy Arcenas. Nabuo nila ang mahuhusay na cast sa pangunguna ng West End sensation na si Joana Ampil as Candida, Rachel Alejandro as Paula, Paulo Avelino as Tony Javier at Sandino Martin as Bitoy.
Pawang mahuhusay din ang iba pang members ng cast na sina Celeste Legaspi, Dulce, Nanette Inventor, Robert Arevalo, Nonie Buencamino, Menchu Lauchengco-Yulo, Noel Trinidad, Leo Rialp, Bernardo Bernardo, Jaime Fabregas with Aicelle Santos, Cris Villonco, Cara Manglapus, Jojit Lorenzo at Rayver Cruz. Portraying the special roles sina Ogie Alcasid at Zsa Zsa Padilla. In cameo roles din sina Mikee Cojuangco-Jaworski, Ricky Davao, Toma Cayabyag, Martin del Rosario, Ryan Cayabyab at Emmy Cayabyab.
Nang makausap si Rachel before the screening, sinabi niyang answered prayer na nakasama sa final official entries ng MMFF ang kanilang movie
“Magandang Christmas gift sa amin, pero dahil first time naming magpu-produce, nanganganay kaming lahat,” sabi ni Rachel. “Masayang-mahirap, kailangan naming mag-double time sa pagpu-promote. May mga nang-iintriga nga na hindi raw kami pam-filmfest, pero kami lang ang musical entry at gusto rin naming malaman ang reaksiyon ng mga tao na manonood.
“Nakita na namin ang reaksiyon ng mga nanood sa Japan at sa San Francisco na mga Pinoy doon. Marami sa kanila ang umiyak habang nanonood kaya parang kumpiyansa kami na magugustuhan din nila (filmfest viewers) ang movie. Kaya hinihingi namin ang inyong suporta simula sa December 25, at hindi namin kayo bibiguin. Maraming salamat po.”
Must see ang MMFF entry na ito na dahil napanood namin, hindi na kami magtataka kung humakot ng awards, acting man at technical categories.
Napakahusay ni Joana bilang si Candida, hindi mo rin iisipin na kakayanin ni Paulo ang role niya ni Tony Javier na mahusay niyang nagampanan. Napakaganda ng music ni Ryan Cayabyab, ng production design, editing, sound, cinematography. Kaya wish din namin na isa ito sa mga unang papasukin sa 43rd Metro Manila Film Festival simula sa December 25.