Ni REGGEE BONOAN

TOTOO kaya ang narinig naming muling gagawa ng pelikula sina Robin Padilla at Sharon Cuneta sa 2018 o 2019?

Isipin mo, Bossing DMB, kasalukuyang tumatabo ng pera sa takilya ang Unexpectedly Yours. As of December 4, naka-P100M na ang pelikula ng ShaBin kasama ang JoshLia (Julia Barretto at Joshua Garcia).

ROBIN AT SHARON copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Marami siguro ang nabitin sa tambalang Robin at Sharon kaya puwede pa ring umulit ng pelikula pagkalipas ng isa o dalawang taon para hindi naman pagsawaan ng tao.

Ang tanong, sino na ang magdidirek dahil kung hindi kami nagkakamali ay isang pelikula na lang ang gagawin ni Direk Cathy Garcia-Molina bago siya magretiro at manirahan sa ibang bansa kasama ang mga anak.

Gustung-gusto ng ShaBin si Direk Cathy dahil sa maikling panahon ng pagtatrabaho nila ay napabilib sila ng direktora at lumabas pang maganda ang pelikula. Huwag isnabin, Grade A ito ng CEB.

Kung sabagay, naririyan naman sina Olive Lamasan, Rory Quintos, Mae Cruz at iba pang in-house director ng Star Cinema na puwedeng magdirek ng follow-up movie ng dalawa.

Ang tanong, ano ang bagong kuwento na lalampas sa kilig scenes ng Unexpectedly Yours?

Unexpectedly, tumitiba ng milyun-milyon sa takilya ang balik-tambalan nina Robin at Sharon after 16 years.