Ni Jean Fernando

Hinuli ng mga nagpapatrulyang pulis ang dalawang menor de edad na sangkot sa serye ng robbery-holdup sa Las Piñas City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Sr. Supt. Marion Balonglong, hepe ng Las Piñas police, ang isa sa inarestong suspek na si Louie Cabangal, 18; at ang isang 17-anyos na lalaki, kapwa residente ng Las Piñas City.

Tumanggi si Balonglong na kilalanin ang 17-anyos na lalaki na kasalukuyang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development habang si Cabangal ay dinala sa Las Piñas police headquarters kung saan siya nakakulong.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Sinabi ni Balonglong na isang pasahero, kinilalang si Suzy, ang nagreklamo na tinangay ng mga suspek ang kanyang cell phone habang sakay sa pampasaherong jeep na nakahinto sa kahabaan ng Barangay Almanza Uno dahil sa traffic.

Sinabi pa ng biktima na sinubukan niyang habulin ang 17-anyos na lalaki ngunit siya ay pinigilan ni Cabangal at tinutukan siya ng kutsilyo sa leeg.

Dahil sa takot, sumigaw at nagpasaklolo ang biktima at narinig ng mga nagpapatrulyang miyembro ng Police Community Precinct 7 at naaresto ang mga suspek

Ayon pa kay Sabornido, kabilang ang mga suspek sa listahan ng mga sangkot sa serye ng robbery-holdup.