INILUNSAD ng Caltex Havoline, itinataguyod ng Chevron Philippines Inc. (CPI), ang bagong 4T motorcycle oils na nagtataglay ng C.O.R.E Technology at ZOOMTECH na nagpapanatili ng kalinisan at proteksyon sa makina ng inyong motorsiklo.

caltex copy

Bunsod nang lumalalang isyu sa trapiko, maraming batang professional ang pinipiling magkaroon ng sariling motorsiklo na magagamit sa kanilang pang-araw-araw na biyahe patungo sa trabaho, meeting at dates.

Ngunit, ang usapin sa polusyon, maduming usok mula sa mga sasakayn sa gitna ng trapiko ay nakadadagdag ng stress kung kaya’t kailangang masiguro na nasa tamang kondisyon ang makina ng inyong motor.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagtataglay ang bagong Havoline Super 4T at SuperMatic 4T semi-synthetic and mineral oils ng mga sangkap at uri na nagbibigay ng kasiguraduhan para mapanatili ang magandang kondisyon ng motor.

Nakapasa ang Havoline SuperMatic 4T semi-synthetic & mineral oils sa ipinapatupad na industry standard ng API SN, gayundin ng JASO MB, n a pagpapatunay nang pagiging compatible ng motor oil sa mga modernong motorsiklo at scooters mula sa Japan. Ang JASO MB oil ay angkop para sa dry-clutch gearboxes na sisiguro para sa maximum engine efficiency.

“Our new line of motorcycle oil is crafted to fit the demanding lifestyle of our urban riders to ensure smooth and hassle-free travel, in and out of the city. This is what motivates us to continue developing innovative products for our riding community,” pahayag ni Mr. Lennard Kwek, Asia Pacific Marketing Manager, Chevron Lubricants.

Ang katatagan, at katiwasayan ng biyahe gamit ang Caltex Havoline motor oil ay sumasalamin sa intigridad at katauhan ni brand ambassador at TV personality Solenn Heussaff.

“Havoline has made my ride more exciting with a cleaner engine. I believe all riders should give the best care and protection for the bikes. All young riders out there should have the new Havoline engine oils in their bikes to experience enhanced engine performance that will keep you strong and confident as you ride in the city,” sambit ni Solenn.