Umabot sa 50 katao ang hinuli ng mga pulis sa paglabag sa city ordinance sa Caloocan City, nitong Sabado.

Ayon kay Police Sr. Supt. Jemar Modequillo, nagsagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa Barangay 73, Samson Road ng nasabing lungsod, pasado 11:00 ng gabi.

Sabay-sabay dinampot ang kalalakihan na pawang umiinom ng alak sa kalsada, nakahubad-baro at pati ang mga menor de edad na nagkalat lansangan sa kabila ng umiiral ng curfew.

Ipinatawag ang mga magulang ng mga bata, habang ang mga hinuling umiinom sa kalsada at nakahubad-baro ay pinagmulta.

National

PBBM, pinahahanap student athletes na nag-wacky ng mukha sa speech niya

Ayon kay Modequillo, mahigpit nilang ipinatutupad ang mga ordinansa upang maiwasan ang anumang krimen. - Orly L. Barcala