Ni NORA CALDERON

MULING nagpakita ng suporta ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza last Thursday sa Broadway Centrum ng Eat Bulaga.

MAINE AT ALDEN copy

Ilang araw lamang nanawagan ang AlDub Nation na magkita-kita sa araw na iyon pero as early as 6:00 AM, may nag-post na sa Twitter ng napakahabang pila ng fans. Dumating pa sa punto na napuno ang harapan ng studio mula Aurora Blvd. at Broadway Street simula paakyat ng lobby ng studio. Kaya nag-sorry ang hosts na sina Allan K at Pia Guanio na hindi sila nakapasok dahil puno talaga ng fans ang studio. Nagpasalamat sila sa lahat ng fans na dumating, bilang suporta kina Alden at Maine.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Bukod sa pagdalo sa Broadway, nagpa-trending din ang Aldub Nation ng hashtag na #ALDUBPaRin at mabilis silang nakakuha ng 2 million tweets. Wala kami sa Broadway Centrum nang maganap ang show of support pero may report kaming natanggap mula kay @jeanenriquez, na kilalang AlDub fan. May nag-tweet kasi sa amin na narinig daw sa megaphone ang mga pahayag nina Tatay Dub (TD) at Nanay Dub (ND) ni Maine at ni Daddy Bae (DB) ni Alden. Iyon ang ipinalinaw namin kay Jean at ito ang sagot niya:

“Yes po, sabi po ni TD, ‘tuloy lang ang suporta sa dalawa at ingat kayo sa pag-uwi.’ Si DB, sabi po, ‘pray lang at ingat po kayo.’ Si ND, sabi po niya, ‘Maine will stay at sasaya sa January, 2018 at huwag mag-alaala at huwag magsakitan at ingat sa pag-uwi’.”

Nagpasalamat din si Jean sa mga taong sumuporta sa kanila na nagbigay daw ng tubig at biscuits. At ngayong Saturday, muli silang pupunta ng Broadway.

That day ay wala si Alden sa EB dahil nagti-taping ng Dear Uge ni Eugene Domingo sa episode na “Manang and Me” kasama sina Odette Khan, Lloyd Samartino at Inday Garutay. Mapapanood ito sa Sunday, pagkatapos ng Sunday Pinasaya.

Kahapon naman ng umaga, 6:20 AM, nag-post sa Twitter si Maine ng, “Happy to be part of @powermaccenter #PMCiPhoneX launch! Thank you Power Mac for having me!” Marami ang nag-comment na natuwa silang muling nakita ang ngiti ni Maine.

Speaking of endorsements, inilabas noong Thursday ang isa pang episode ng TVC ng @McDoph ni Alden.

Sa Sunday din, mapapanood ang solo guesting ni Maine sa Daig Kayo ng Lola Ko ni Ms. Gloria Romero sa episode na “Osang Tsismosa” kasama si Sheena Halili, pagkatapos ng All Stars Videoke.