Hiniling ng Philippine National Police (PNP) ang mga litrato at ang personal data sheet ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng dalawang kawani ng Bureau of Immigration (BI) na isinasangkot sa pagdukot sa South Korean restaurateur at sa tatlo nitong empleyado sa Pampanga nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Senior Supt. Glenn Dumlao, director ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG), ang hiningan nila ng mga dokumento ay iyong mga nakatalaga sa Central Luzon office.

Sinabi niya na partikular nilang hiningi ang data sheet nina BI agents Paul Calingasan at Carlos Garcia, gayundin ang closed-circuit television (CCTV) footage sa parking lot ng BI kung saan inaresto ang dalawang hinihinalang kidnapper at nailigtas ang biktima.

Matatandaang sinabi ng suspek na Koreanong si Kim Min Kwan, alyas Michael Lim, sa mga imbestigador ng AKG na ang modus ng kanilang grupo ay maghanap ng Philippine-based Korean businessmen at sa oras na sila ay makahanap, makikipagtulungan siya sa kanyang mga kasabwat sa BI para sa pag-iisyu ng pekeng Mission Order na iisyu sa ‘pag-aresto’ sa target dahil sa umano’y ilegal na pananatili sa bansa.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Sa kaso ng biktimang si Jung Dae Lee, siya ay inaresto umano sa tulong ng ilang NBI agents na nakatalaga sa Angeles City.

Base sa testimonya ng isa sa mga suspek, nakipagtulungan sila sa ilang NBI agents sa Angeles City sa pagdukot kay Jung. - Aaron Recuenco