PINAGHARIAN ni Alexis Emil Maribao ang katatapos na 2nd Pawn Ceteris Paribus 2100 and below non-master rapid chess tournament sa Phase 4 Old Chapel Covered Court sa Barangay 176, Bagong Silang sa Caloocan City.

Si Maribao na dating ipinagmamalaki ng San Sebastian College ay tumapos ng malinis ang kartada na may naipong 4.5 puntos matapos ang 5 rounds. Naiuwi niya ang P1,000 top prize na kaloob nina tournament organizers Jerry Marcos at Joey Presente.

Nagpakitang gilas naman si ex-Rizal Technological University mainstay Eduardo Campos na tumapos ng ika-2 puwesto na may 4.0 na puntos, angat ng kalahating puntos kay Juan Carlos Presente (3.5 puntos) na nagkasya sa ika-3 puwesto.

Magkasalo sina Rouel Arangcon at Anthony Aviles sa ika-4 at hanggang ika-5 puwesto ayon sa pagkakasunod na may tig-3.0 puntos. - Gilbert Espeña

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA