Ni JIMI ESCALA

NAKATAKDANG manganak sa January 2018 si Kaye Abad ng baby nila ni Paul Jake Castillo.

Hindi maipaliwanag ni Kaye ang naramdaman nilang mag-asawa habang papalapit ang araw ng kanyang due date.

Halos kumpleto na ang lahat ng mga gagamitin ng kanilang panganay.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

KAYE copy

“Hindi pa one hundred percent na kumpleto ang lahat ng mga gamit, pero sobrang excited kami na may kasamang kaba.

Hindi namin alam pareho and what to expect sa baby namin,” sey ni Kaye.

Kuwento ng Kapamilya actress, lalaki ang magiging first born nila ni Paul Jake. Pero hanggang ngayon daw ay wala pa silang naiisip na ipapangalan.

“Hanggang ngayon, eh, hindi pa rin kami desidido kung ano ang name na ibibigay namin sa kanya. Nothing is very sure hanggang kapiling na namin siya,” sey ni Kaye.

Hindi tatalikuran ni Kaye ang showbiz, dahil pagkapanganak at pagkatapos magpahinga ng ilang buwan ay handa pa rin siyang tumanggap ng projects.

“Sobrang na-miss ko ang showbiz. Kaya for sure, hindi ko iiwanan ito. So, kinain ko naman ‘yung sinabi ko before na once na magkapamilya ako, eh, give up na ang showbiz career.

‘Hindi ko kayang basta na talikuran ang pag-aartista. For now lang siguro, eh, ang priority ko muna itong pamilya ko, dahil I’ve been in the industry for so long na rin naman,” sey ng aktres.

Dagdag pa ni Kaye, kapag natupad na ang pangarap niyang magkapamilya at magkaroon ng baby ay babalikan pa rin niya ang pag-aartista.

“Hopefully, pagkatapos nito, magpahinga lang, then showbiz, at pagkatapos ng ilang projects, eh, isa pang baby ulit,” napatawang sambit pa ni Ms. Kaye Abad.