Ni: Antonio L. Colina IV

Ikinalulugod ng Palasyo ang pagsisikap ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na nag-oorganisa ng grand rally sa Davao Crocodile Park sa Davao City sa Huwebes upang himukin siya na magdeklara ng revolutionary government ngunit idiniin na “there is no legal or factual basis” para rito sa ngayon.

Sa media briefing sa Presidential Guest House kahapon, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga mamamahayag na nilinaw na ng Pangulo na ikokonsidera lamang niya ang revolutionary government kung mayroong anumang pagtatangka ng destabilisasyon laban sa kanya.

“We appreciate the calls of president’s supporters for revolutionary government but I think there is no factual or legal basis as of now because the president has said he will consider a revolutionary government if destabilizers will persist their plan to have him removed from office,” he said.

Budget ng OVP, aprub sa senado; mga senador, nagpa-pic kay VP Sara

Sinabi ni Roque na wala silang nakikitang “any such threat in the future” laban kay Duterte, binanggit ang tinatamasa nitong suporta sa publiko sa approval rating na 80 porsiyento at ang “support of the Congress.”

Magsasagawa ang mga tagasuporta ng Pangulo ng Revolutionary Government Grand Rally mula 1p.m. hanggang 6:30 p.m. sa Davao Crocodile Park upang hikayatin si Pangulong Duterte na magdeklara ng revolutionary government.