Ni: Mary Ann Santiago

Hindi akalain ng isang jeepney driver na bugbog ang aabutin niya sa isang lalaki na tinanggihan niyang bigyan ng P5 ang kaanak nito sa Barangay Kabayanan, San Juan City, nitong Linggo.

Arestado at kakasuhan ng physical injuries si Antonio Lunas Jr. matapos na bugbugin si Aurelio Bautista, kapwa nasa hustong gulang, at residente sa naturang lungsod.

Sa reklamo ni Bautista sa tanggapan ng San Juan City Police, dakong 6:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa F. Manalo Street, kanto ng F. Blumentritt Street sa Bgy. Kabayanan.

VP Sara, magdiriwang ng birthday sa The Hague: 'Nag-promise ako sa mga magulang ko'

Sakay sa kanyang pampasaherong jeepney si Bautista nang lapitan siya ni Lorenz Kyle Lunas, kaanak ni Antonio, at nanghihingi ng P5 barya.

Tumanggi naman si Bautista na magbigay ng barya kay Lorenz Kyle kaya tinawag ng huli ang suspek.

Laking gulat naman ni Bautista nang lapitan siya ni Antonio at pinaghahataw ng nadampot nitong bato.