Inihayag ngayon ang engagement nina Prince Harry at Meghan Markle, at nakatakda silang magpakasal sa susunod na taon.

Kamakailan lamang inamin na magkasintahan sila, na-engage sina Harry at Meghan sa unang bahagi ng buwang ito sa London at magpapakasal sa unang bahagi ng 2018, ayon sa Kensington Palace.

Sa wakas, ikakasal na si Prince Harry!
Sa wakas, ikakasal na si Prince Harry!

Lalabas silang magkasama sa national TV sa United Kingdom ngayong gabi upang magkuwento tungkol sa kanilang engagement at kasal 16 na buwan makaraan silang maging magnobyo makaraang magkakilala dahil sa isang mutual friend noong Mayo 2016.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kaagad namang nagpalabas ng kanilang pahayag ang kapatid ng prinsipe na si William at asawa nitong si Kate sa isang joint statement: “The Duke and Duchess of Cambridge said of the engagement: 'We are very excited for Harry and Meghan. It has been wonderful getting to know Meghan and to see how happy she and Harry are together'.”

Ang 36-anyos na Amerikanang si Meghan ay diborsiyada at maaaring maging prinsesa, o bigyan ng titulong Duchess of Sussex kapag ikinasal siya sa 33-anyos na ikalimang tagapagmana ng trono, iniulat ng www.dailymail.co.uk.