Arestado ang isang babae na gusto umanong makapag-ulam ng masarap kaya nagnakaw ng karne ng baka sa isang meat shop sa Barangay Sto. Niño, Marikina City, nitong Sabado.

Nahaharap sa kasong theft si Almira Cartina, nasa hustong gulang, matapos na magnakaw ng 1.5 kilo ng karne ng baka mula sa Carlo & Christian meat shop sa E. Jacinto Street sa Bgy. Sto. Niño.

Sa imbestigasyon ng Marikina City Police, dakong 8:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng nasabing meat shop.

Sa reklamo ni Crisuprema Domantay, abala siya sa pagbebenta sa kanilang meat shop nang sumalisi umano ang suspek at tinangay ang naturang karne upang ipang-ulam sana.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gayunman, napansin ito ni Domantay at kaagad na ipinahuli si Cartina sa kanyang store helper.

Dinala sa Police Community Precinct 3 ng Marikina City Police ang suspek para sampahan ng kaukulang kaso. - Mary Ann Santiago