Arestado ang isang 41-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng ilegal na droga habang sakay sa kanyang motorsiklo sa kasasagan ng Oplan Sita operation sa Pasig City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang inaresto na si Victory Mangawang.

Siya ay pinara ng awtoridad sa “Oplan Sita” sa kahabaan ng Mariano corner Octagon Street sa Barangay Dela Paz, dakong 10:00 ng gabi.

Hiningan siya ng driver’s license ngunit nang kunin niya ang kanyang wallet sa kanyang bulsa, nahulog ang limang maliit na pakete na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Baangay Kagawad Isidro Mariano, Jr. hindi ito ang unang beses na may inarestong motorista dahil sa kaparehong insidente. - Madelynne Dominguez