LONDON (AFP) – Nagmamadaling rumesponde sa Oxford Street shopping district ng London nitong Biyernes matapos iulat ang sunud-sunod na putok ng baril, ipinangamba na umatake ang mga terorista na naging sanhi ng pagkasugat ng 16 na katao dahil sa pagkataranta.

Isinara ng Armed officers ang lugar ng mahigit isang oras bago sabihin ng Metropolitan Police na walang “any trace of any suspects, evidence of shots fired or casualties”.

Naniniwala ang British Transport Police na nagsimula ang pananakot sa seguridad sa “an altercation between two men” sa platform ng Oxford Circus Underground station.

Naglabas sila ng CCTV images ng dalawang lalaki at umapela sa publiko ng kahit anong impormasayon tungkol sa insidente o ano ang maaaring dahilan ng pag-alis ng mga tao sa istasyon.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina