Ni REGGEE BONOAN

NGAYON magtatapos ng seryeng The Promise of Forever nina Paulo Avelino at Ritz Azul kasama sina Tonton Gutierrez, Cherie Pie Picache, Nico Antonio, Benjie Paras, Ejay Falcon at Amy Austria at hinuhulaan ng mga sumusubaybay kung mabubuhay pa si Nicolas/Lawrence para makapiling ang mag-ina niya o hindi na.

PAULO AT RITZ copy

Base kasi sa mga nakaraang episode, nagapi na si Nicolas (Paulo) ni Marlon (Tonton) nang magkita ang una para iligtas ang mag-inang dinukot ng huli.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Habang nagkakagulo sina Marlon (Tonton) at Nicolas (Paulo) ay iniligtas ni Philip (Ejay) si Sophia (Ritz) at anak nitong si Adrien (Khane de la Cruz).

May nabasa kaming komento ng mga nanonood, may dalawang options daw -- mamamatay si Nicolas o Lawrence dahil mawawala na ang bisa ng gamot na nasa katawan niya at ihahabilin na niya kay Phillip ang mag-ina. O kaya ililigtas ni Phillip si Nicolas/Lawrence at ito ang mamatay alang-alang sa pagmamahal nito kay Sophia, kaya pati buhay ay ibibigay, kaya happy ending daw ang The Promise of Forever.

May loyalistang fans si Ritz na nagtatanong kung ano ang susunod niyang project at sana raw ay hindi na ito canned para may posibilidad na magtagal sa ere.

Oo nga, sayang naman kung walang follow-up drama series ang aktres at sana medyo mag-reduce siya dahil malaki siya sa screen.