Ni: Cover Media

INIULAT na hiwalay na si Jennifer Lawrence at ang director na si Darren Aronofsky pagkatapos ng isang taong relasyon.

Nagkapalagayang loob ang couple nang magmakatrabaho sa kapapalabas na pelikulang Mother! at kahit na nakita silang magkasama sa Governors Awards sa Los Angeles nitong Nobyembre 11, tila platonic na lamang ang night out dahil noong Oktubre pa nag-break na ang dalawa, ayon sa Entertainment Tonight.

Jannifer at jacob copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“It was amicable and they are still friends,” sabi ng source sa E! News.

Ikinagulat ng fans ang kanilang paghihiwalay dahil hindi pa nga mapigil ang kilig ni Jennifer kay Darren nitong mga nakaraang buwan, ibinunyag na kaagad siyang na-in love nang una niyang makita ang filmmaker.

“I had a crush on him when he pitched (Mother!) to me, and that was, like, a year before we started rehearsing, but he was a professional, which only made it worse for me,” aniya sa The Hollywood Reporter’s Awards Chatter podcast.

“We just kind of formed a friendship.

“He knew how I felt. He never told me how he felt. I mean, I assumed. We just formed a friendship and then the friendship turned into a partnership for the movie, once we started working. And then, once the movie was done, I was like, ‘Alright! You’re my boyfriend’.”

Si Darren ang unang boyfriend ni Jennifer simula nang makipaghiwalay sa Coldplay frontman na si Chris Martin noong 2015 pagkaraan ng isang taon na on and off relationship. Nakarelasyon din ng 27-anyos ang kanyang X-Men co-star na si Nicholas Hoult.

Si Darren, 48, ay may 11 taong gulang na anak na si Henry sa kanyang ex-fiancee na si Rachel Weisz, na nakahiwalay niya noong 2010. Kasunod nito ay nakarelasyon niya ang Canadian producer na si Brandi-Ann Milbradt, na inalok din niya ng kasal, ngunit naghiwalay sila noong 2015.