LUIS TONI AT ALEX
LUIS TONI AT ALEX

Ni REGGEE BONOAN

NAGMIMISTULANG talk show ang I Can See Your Voice ni Luis Manzano na karamihan ng guest singers ay nabubuking ang nakaraan, tulad nitong Sabado na si Toni Gonzaga ang humula sa See-nger.

Waiter kasi ang isa sa contestants at siyempre kanya-kanyang opinyon ang Sing-vestigators, tulad ni Alex Gonzaga na naniniwalang ito ang singer.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Nagtanong si Toni kung paano ito nasabi ni Alex at ang diretsong sabi ng dalaga, “Si Sam Milby, di ba, waiter siya before?”

“Paano mo naman nalaman, nag-research ka?” tanong uli ni Toni.

“Hindi, kasi ex (boyfriend) ko siya, eh,” na ikinatawa ng lahat.

Ang tanging naisagot na lang ni Toni, “Ay, oo nga, nakalimutan ko na.”

Sabay pambubuking ni Luis, “Nakalimutan mo na? Di ba nga kaya hindi mo ako sinagot kasi siya ang gusto mo? Alam n’yo (audience) po ba, tumawag sa akin si Toni ng alas tres ng madaling araw, umiiyak at humihingi ng payo.” Hayun, pinipigilan si Luis ng TV host/actress. “Imagine, Toni, ang sakit-sakit, nanliligaw ako sa ‘yo ‘tapos ako hihingan mo ng payo tungkol sa kanya (Sam)?”

“Eh, kasi nga kaibigan kita, eh,” hirit ni Toni, “‘kita mo naman, ang saya-saya mo ngayon sa love life mo?”

“Oo naman, pero hindi ko makakalimutan ‘yun Toni, sobrang sakit ng ginawa mo sa akin,” pangungulit ni Luis.

Imagine, Bossing DMB, kung kailan may asawa’t anak na si Toni ay saka pa lang lumabas na naging boyfriend niya si Sam Milby. Hindi kasi nila ito inamin.

Nabuking din sa I Can See Your Voice ni Bayani Agbayani sina Alex at Kean Cirpriano, nang tanungin ng una kung bakit hindi sila nagkatuluyan.

“Eh, kasi ayaw niya (Toni) kay Kean!” biglang hirit ni Alex habang nakatingin lang ang mister ni Chynna Ortaleza.

Paliwanag ni Toni, “Eh, kasi naniniwala ako na mas bagay si Kean kay Chynna. O, di ba, Kean mas okay kayo ni Chynna?”

Tumango naman ang isa sa Sing-vestigators.

Sa wakas, nakuha na rin ang sagot kung ano talaga ang naging relasyon nina Alex at Kean.

In fairness, ha? Nakakakuha kami ng pang-deadline sa ICSYV bukod pa sa enjoy kaming panoorin ito dahil sa mga palpak na hula ng guest singers dahil na rin sa nakalilitong komento ng sing-vestigators.