Kasalukuyang iniimbestigahan ang isang bagitong pulis nang aksidente niya umanong mapatay ang isang arestadong lalaki, na nakaposas, habang sila ay nasa loob ng police mobile sa Pasig City, nitong Linggo ng gabi.

Sa spot report, aksidente umanong nabaril ni Police Officer (PO1) Rey Pacis si Paolo Nel Pabale sa ulo matapos ang mag-agawan. Nakatalaga si Pacis sa Pasig Police Community Precint (PCP-6).

Base sa imbestigasyon, aksidente umanong nabaril si Pabale sa loob ng police mobile habang binabagtas ang Dr. Sixto Antonio sa Barangay Rosario, Pasig City.

Inaresto si Pabale sa umano’y pangmomolestiya sa isang 7-anyos na babae. Nagsampa rin ng reklamo ang isang guest relations officer (GRO) laban kay Pabale dahil sa umano’y panghihimas sa kanyang dibdib.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ng pulis na lasing ang suspek nang arestuhin.

“The gun accidentally went off during the scuffle.” base sa report.

Kinumpirma ng Eastern Police District (EPD) ang pagsibak kay Pacis at kasalukuyang isinailalim sa restrictive custody.

Inaalam na kung may foul-play sa insidente. - Jel Santos