Sugatan ang isang American diplomat matapos mahagip ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada, sa tapat ng United States Embassy sa Ermita, Maynila kamakalawa.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si David Alan Bragdon, 40, tumutuloy sa American Embassy, na matatagpuan sa Roxas Boulevard.

Samantala, arestado at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries si Jonald Villanueva, 30, ng 108 Bagong Sibol Street, Caloocan City.

Sa ulat ni SPO1 Roberto Lorenzo, ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD), naganap ang aksidente sa northbound lane ng service road ng Roxas Boulevard, malapit sa kanto ng United Nations Avenue sa Ermita, bandang 4:10 ng hapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tumatawid umano ang biktima nang masagi ng Yamaha Mio Soul (NC 24027) na minamaneho ng suspek.

Agad isinugod ang biktima sa Manila Doctors Hospital. - Mary Ann Santiago