Ni NORA CALDERON

BAKIT nga ba pinalitan si Christian Bables bilang Barbs sa seryeng Born Beautiful (spin-off ng pelikulang Die Beautiful) na gagawin sana niya for Cignal Entertainment sa direksiyon ni Jun Lana?

MARTIN DEL ROSARIO copy

Hanggang ngayon ay tumatanggap ng awards dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa ang Die Beautiful na idinirihe rin ni Jun Lana at pinagbidahan ni Paolo Ballesteros. Gumanap si Christian bilang Barbs, ang best friend of Trisha.

Tourism

Pasig River Esplanade, worth it nga bang puntahan?

Nag-aalanganin si Direk Jun Lana nang hingan namin ng paliwanag kung bakit pinalitan si Christian ni Martin del Rosario na excited sa project, kaya agad nag-post sa Instagram ng pasasalamat, pero marami ang nag-bash. Tanong ng netizens, “Why you, why not Christian Bables?” Sinagot na lang ito ni Martin ng, “Why me? Why not?”

“I felt betrayed,” makahulugang sagot ni Direk Jun. “Kami kasi ni Direk Perci Intalan ng IdeaFirst Company ang kinuha ni Christian at ng manager niya para maging co-manager niya. Kaya kami naman dahil gusto namin siyang matulungan, nagplano na kami kung ano ang gagawin sa kanya, movies, TV series, even sa theater, willing kaming mag-invest sa kanya dahil nakita naman namin ang husay niya sa Die Beautiful.

“Kaya nagulat kami nang malaman naming ayaw na pala niyang gawin ang Born Beautiful. Ako ang huling nakaalam, pero ang iba alam nang ayaw na niya, at nangyari pa ito sa birthday party ko na nandoon sila ng manager niya. Naisip ko na mag-uusap din siguro kami at sasabihin niya kung ano ang totoo. Pero naulit iyon nang minsang nagkasabay kami sa isang lugar at sinabi doon sa kausap ko na huwag sabihing nandoon sila ng manager niya. Doon na talaga sumama ang loob ko.

“Pero naka-move on na ako, kami ni Perci. Pero siguro kung five years ago iyon nangyari, nang-away na ako,” patuloy ni Direk Jun. “Tinanggap na lang namin na ayaw na ngang gawin ni Christian dahil may iba na siyang priority. Kaya we have to look for another actor at we pull-out the teaser dahil nakagawa na kami nito noong i-launch ang Cignal na magsisimula na sa January, 2018. We also let him go kahit he did not honor his contract sa IdeaFirst para walang conflict.”

Then nagpasabi raw si Christian na gagawin pa rin niya ang Born Beautiful pero tatapusin muna ang project na ginagawa sa ABS-CBN lalo na’t magkaiba ang characters. Hindi na sila pumayag na maghintay dahil masisira ang plano at apektado na ang schedule.

“Si Martin del Rosario ang napili naming ipalit kay Christian. Nakatrabaho na namin siya sa Manananggal sa Unit 23B kaya kilala na namin ang kakayahan niya. Mabait si Martin, very professional at mahusay na actor. Nanalo na rin siya ng mga acting awards. Kinausap namin si Arnold Vegafria, ang manager niya na nagsabing sumulat kami sa GMA-7 para ipagpaalam si Martin dahil may ginagawa na itong afternoon prime drama series na Hindi Ko Kayang Iwanan Ka.”

Tinanong din namin si Martin tungkol sa Born Beautiful.

“Wala po sa akin kung hindi ako ang original choice. May konting pressure po dahil napanood ko yung Die Beautiful at nakita kong mahusay si Christian as Barbs. Na-excite ako nang malaman ko dahil hindi ko in-expect na magiging part ako ng Born Beautiful at muli kong makakatrabaho si Direk Jun dahil napakahusay niyang director. Ready po naman akong gawin kung ano ang ipagagawa ni Direk Jun. Nagsasanay na rin akong maglakad na nakasuot ng five-inch heels. Ang make-up ko inaabot ng two hours. Hindi po naman first time kong gaganap na bading, kaya hindi issue sa akin kung kinu-question nila ang gender ko, dahil kilala ko ang sarili ko nagtatrabaho lang ako.”

Makatutulong kay Martin ang paggi-guest ni Paolo sa serye. Hindi pa sinabi ni Direk Jun kung paano ipapasok ang character ni Trisha na namatay na sa Die Beautiful.