Ni REGGEE BONOAN

KINUMPIRMA na sa amin ni Luis Manzano na hindi na siya ang magiging host ng Pilipinas Got Talent Season 6 na nagsimula nang magpa-audition sa Cebu SM Seaside kagabi (hanggang Miyerkules, Nobyembre 22).

ANGEL AT LUIS copy

Matatandaan na sina Luis at Billy Crawford ang magkasamang naging host sa naunang limang season ng Pilipinas Got Talent at nagklik sa viewers ang partnership nila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sabi namin sa papamagitan ng private messaging kay Luis, na busy ngayon sa I Can See Your Voice, sayang naman kasi since PGT 1 ay nandoon na siya. “Okay lang ‘yan,” matipid na sagot niya.

Nabanggit namin na, ‘hindi okay kasi hahanapin ka ng tao at iba ‘yung tandem ninyo ni Billy’ at sabay tanong kung, ‘hindi mo ba kayang makatrabaho si Angel (Locsin) o umiiwas ka na lang sa intriga?’

As of press time, hindi pa rin niya kami sinasagot pero naniniwala kaming baka mas iniwasan na lang niyang maintriga sila ng ex-girlfriend niya para tahimik na tutal pareho naman silang may iba nang karelasyon.

Anyway, papalitan si Luis ni Toni Gonzaga bilang ka-tandem ni Billy sa PGT 6. Yup, isa pa rin si Angel sa mga magiging hurado kasama sina Mr. Freddie M. Garcia o FMG, Vice Ganda, at Robin Padilla.