PUMANAW na si Della Reese, ang vocal powerhouse na kamakailan ay gumanap bilang ang heaven-sent na si Tess sa television series na Touched By An Angel, nitong Linggo ng gabi, sa edad na 86.

Inulila niya ang mga anak na sina Deloreese, James, Franklin, at Dominique, at ang asawang si Franklin Lett.

Della Reese
Della Reese
“On behalf of her husband, Franklin Lett, and all her friends and family, I share with you the news that our beloved Della Reese has passed away peacefully at her California home last evening surrounded by love. She was an incredible wife, mother, grandmother, friend, and pastor, as well as an award-winning actress and singer. Through her life and work she touched and inspired the lives of millions of people,” kumpirmasyon ng kanyang kapwa bituin na si Roma Downey sa PEOPLE sa isang eksklusibong pahayag.

“She was a mother to me and I had the privilege of working with her side by side for so many years on Touched By an Angel. I know heaven has a brand new angel this day. Della Reese will be forever in our hearts. Rest In Peace, sweet angel. We love you.”

Relasyon at Hiwalayan

Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'

Isinilang na Delloreese Patricia Early noong Hulyo 6, 1931 sa Detroit’s Black Bottom, nagsimulang umawit si Reese sa harap ng publiko sa edad na anim, sa kanilang Simbahan, ang nagpasimula ng kanyang gospel music. Lalo siyang humusay sa pagkanta at sa edad na 13 ay nakapagtanghal siya kasama ang gospel group ni Mahalia Jackson.

Bumuo siya ng kanyang sariling grupo, ang Meditation Singers, noong 1940s, ngunit ang kanyang pagkakalantad sa jazz artists gaya nina Ella Fitzgerald at Sarah Vaughan, ang nag-udyok sa kanya para lawakan ang kanyang saklaw sa musika.

Nang gamitin ang kanyang sumikat na stage name, lumagda siya sa Jubilee Records noong 1953, at nakapaglabas ng anim na album na binubuo ng jazz standards.

Magmula noon ay lumawak na ang kanyang impluwensiya sa industriya at nabigyan ng iba’t ibang proyekto.

Ngunit dinapuan ng sakit si Reese kalaunan, kabilang ang pagkakaroon ng diabetes, na isinisi niya sa hindi maayos na diet at kawalan ng ehersisyo. - People