SISIMULAN ng San Beda College ang title retention bid sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College sa pagbubukas ng NCAA Season 93 football competition sa Rizal Memorial track and football Stadium sa Biyernes.

Tatangkain ng Red Booters na makamit ang ika-22 pangkalahatang titulo sa liga upang makakalas sa pagkakatabla sa dating miyembrong La Salle bilang most winningest squad sa seniors division.

Nakatakda ang pagtutuos ganap na 2:00 ng hapon.

Nadomina ng San Beda ang torneo sa nakalipas na dalawang dekada matapos mapanalunan ang 14 sa huling 16 na kampeonato.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang dalawang titulo na nakahulagpos sa kanila ay noong 2009 at 2015 nang magwagi ang St. Benilde at Arellano University, ayon sa pagkakasunod.

Sa isa pang laban sa opening day, magtutuos ang St. Benilde at Mapua sa ikalawang laro ganap na 4:00 ng hapon na susundan ng tapatan ng Arellano University at Perpetual Help ganap na 6:00 ng gabi.

“It’s going to be an exciting football season, that’s for sure,” ani Arellano athletic director Peter Cayco, chairman ng Management Committee group organizing football ngayong taon.

Idedepensa rin ng San Beda ang juniors crown na sisimulan nila sa pagsagupa sa Perpetual Help sa susunod na Lunes (Nobyembre 27). - Marivic Awitan