SISIMULAN ng National University ang kampanya sa UAAP Season 80 juniors football kontra last year’s runner-up De La Salle-Zobel ngayon sa PFF National Training Centre ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Target ng Bullpups na makalikha ng maagang momentum laban sa Junior Archers ganap na 8 ng umaga.

Magtutuos naman ang Ateneo at University of Santo Tomas ganap na 3;00 ng hapon.

Nakakuha ng bye ang defending champion Far Eastern University-Diliman. Mapapalaban ang Baby Tamaraws kontra Blue Eaglets sa Nov. 26 ganap na 8:00 ng umaga sa naturan ding venue.

Magaganap naman ang rematch ng last season’s Finals sa pagitan ng FEU-Diliman at De La Salle-Zobel sa Dec. 3 sa PFF National Training Centre.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Maliban sa naturang laro sa first round, ang mga susunod na playing dates at magaganap sa Rizal Memorial Stadium sa Manila. - Marivic Awitan