Ni NITZ MIRALLES

PAREHONG nag-trending last Saturday night sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna dahil sa pagbubuntis ni Ellen. In fairness, positive ang reaction ng netizens sa pagbubuntis ni Ellen at si John Lloyd ang ama. Sayang daw ang genes ng dalawa kung hindi sila magkakaanak.

Ellen at John Lloyd [Nitz] copy

Hindi pa man kinukumpirma nina John Lloyd at Ellen na magiging tatay at nanay na sila, marami na ang nagko-congratulate sa kanilang dalawa. Meron din namang nega ang reaction sa pagbubuntis ni Ellen dahil magiging rason daw ‘yun para tuluyang talikuran ng aktor ang showbiw.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Isa si Beauty Gonzales sa nagtanggol kina John Lloyd at Ellen at sa isang radio interview, sinabi nitong mahal ng dalawa ang isa’t isa at pabayaan na silang maging masaya.

Noon pa nababalitang preggy si Ellen, nang makita sa picture na medyo malusog siya at nagkaroon ng tiyan. That time, nag-joke pa ang netizens na baka busog lang si Ellen, pero baby na pala ang nasa tiyan niya.