Ni REGGEE BONOAN

NAGBUNGA na ang magandang relasyon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna at hinihintay na lang kung kailan ito isasapubliko ng dalawa.

Angelica1 copy

Base sa report ng PEP nitong Sabado ng gabi, hindi nakarampa si Ellen sa Bench Under the Stars Fashion Show dahil buntis siya at inamin niya sa kanyang malalapit na kaibigan.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Nasa bansa na ang sexy star samantalang si Lloydie ay nasa New York pa dahil may dinaluhan pa itong kasalan.

Nang pumutok ang balitang buntis si Ellen ay si Angelica Panganiban ang pangalang binanggit ng kausap naming taga-ABS-CBN kaya ang balik-tanong namin ay, “bakit naman, e, wala na sila (ni JLC)?”

“No! They’re still together. Yeah, sila pa rin ni John Lloyd kaya nga ang daming post ni Angel (palayaw ng aktres) nu’ng kainitan ng John Lloyd and Ellen together in Cebu kasi hindi pa sila hiwalay.

“Kaya nga hirap siya makapag-move on kasi nga what went wrong? Akala niya okay na nu’ng nag-uusap na sila ulit at lumalabas na, tapos nawala na naman. Biglang hindi na lang tumatawag o nagpapakita si John Lloyd, tapos may nagsabi nga sa kanya na sina John Lloyd at Ellen na pala,” kuwento sa amin ng taga-Dos.

Napapaisip tuloy kami na baka hindi nakuha ni Angelica ang mensaheng gustong tukuyin ni Lloydie na hindi na siya nagparamdam na ang ibig sabihin ay ‘break na tayo’ ano sa palagay mo, Bossing DMB?

Anyway, hindi rin mahagilap si Angelica ngayon dahil umalis daw ng bansa para magmuni-muni.