Ni: Orly L. Barcala

Patay ang isang vendor nang pagsasaksakin ng anak ng lalaking pinalo nito sa ulo sa rambulan sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Tadtad ng saksak sa katawan, binawian ng buhay habang ginagamot sa Allied Medical Center si Enrique Tana, 47, ng No. 436 Dela Cruz Street, Dulong Tangke, Barangay Malinta ng nasabing lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Marvin Manansala, 32, kalugar ng biktima; gayundin si Jomar Pellente, nasa hustong gulang, matapos makuhanan ng patalim.

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Base sa ulat, umiinom ng alak si Luisito Manansala, 65, ama ng suspek, at nasa dulong kanto naman si Tana na umiinom din kasama ang mga kaibigan nito, dakong 1:30 ng madaling araw.

Makalipas ang ilang minuto, nilapitan umano ni Tana ang matandang Manansala at hinampas ng bote sa ulo.

Duguan at nakalugmok na nadatnan ni Marvin ang kanyang ama, kaya kumuha ito ng patalim at sinaksak si Tana.

Inaresto si Marvin ng mga tauhan ng PCP 4, gayundin si Pellente na natiyempuhang may hawak na patalim.

Kasong homicide ang kinakaharap ng suspek.