NI ERNESt HERNANDEZ

SINALANTA ng Quezon City Stars ang Navotas Bida, 95-92, nitong Linggo para maisayos ang championhip match kontra San Juan WattahWattah sa Northern Diivision ng Metropolitan Basketball Tournament sa Navotas Sports Complex.

Maagang umariba ang Stars para maitarak ang 13 puntos na bentahe sa first period. Nagawang maidikit ng Navotas (7-3) ang bentahe sa 69-64 sa kaagahan ng final period.

Pinangunahan ni Jesus Manuel Asuncion ang Quezon City sa naiskor na 17 puntos, limang rebounds at tatlong blocks, habang kumana si John Kenneth Cortez ng 15 puntos.

Philippine Dragon Boat Team, sumungkit ng 8 ginto sa World Championship!

Nag-ambag sina John Mahari ng 14 puntos at 11 rebounds gayundin si Mikhael Salazar na may 14 puntos, siyam na rebounds, pitong assists at anim na steals para sa Stars.

Nanguna sa Navotas si Jonel Parungao sa nakubrang 19 puntos, walong rebounds, anim na assists at apat na blocks.

Sa first game, pinulutan ng Mandaluyong City Tigers ang Pateros Isang, 102-63,para makamit ang karapatan na labanan ang Manila All-Stars sa Southern Division Finals.

Sinandigan ang Tigers ng bagong PBA drafted na si Joseph Gabayni, habang kumana si Prince Allan Liquinan ng 18 puntos at limang assists.

Iskor:

(Unang laro)

Mandaluyong City Tigers (102) -Liquinan 18, Manalac 16, Tabi 15, Dada 12, Cenal 10, Boholano 6, Reyes 5, Calapine 5, Teofilo 4, Monghit 4, Banaag 3, Tilos 2, Haboc 2.

Pateros Isang Pateros (63) -Gerero 22, Go 13, Cayangan 11, Raymundo 7, Morro 4, Encinares 2, Bucasas 2, Coras 2, De Guzman 0, Ramos 0, Egdalino 0, Salonga 0.

Quarterscores: 24-21, 41-37, 65-51, 102-63.

Quezon City Stars (95) - Comia 17, Cortez 15, Salazar 14, Mahari 14, Estoce 10, Barraquias 9, Udjan 6, Asuncion 4, Padigdig 4, Antipuesto 2, Bebre 0, Villcorta 0.

Navotas Bida (92) - J. Parungao 19, Lucas 14, Marquez 14, A. Parungao 14, Navarette 12, Lumbab 9, Baguion 4, Crisostomo 4, Boleche 2, Vargas 0, Itliong 0,

Quarterscores: 28-16, 42-37, 64-62, 95-92.