Nina KAREN VALEZA at REGINA MAE PARUNGAO

IKINASAL na ang celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff saksi ang kani-kaniyang pamilya at mga kaibigan sa Thurlby Domain sa Queenstown, New Zealand kahapon.

Sa garden wedding ay suot ni Anne ang Monique Lhuillier long-sleeved lace gown at naka-green suit naman si Erwan.

Erwan at Anne
Erwan at Anne
Naging teary-eyed si Erwan nang magsimula ang seremonya. Naging emosyonal din si Anne habang pinasasalamatan ang kanilang mga bisita. Ang  dalawa ay  naging magkasintahan noong 2010 at naging engaged noong Nobyembre 2016 sa US pagkatapos ng pagsali ni Anne sa New York Marathon. 

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Kabilang sa  entourage ni Anne si Luis Manzano bilang kanyang Man of Honor,  ang kapatid na si Jasmine Curtis Smith, Karylle, Cheska Kramer, Isabelle Daza, Georgina Wilson, at ang kapatid ni Erwan na si Solenn. Ang entourage naman ni Erwan ay sina Nico Bolzico na asawa ni  Solenn at ang asawa ni Isabelle na si Adrien Semblat, at  iba pa.

Star-studded ang kasal na dinaluhan ng kasamahang hosts ni Anne sa It’s Showtime na sina Kim Atienza, Vice Ganda, Ryan Bang, at Jugs Jugueta. Dumalo rin  ang matagal nang kaibigan ni  Anne na si Danica Pingris, at CJ Jaravata.

Isang  araw bago ginanap ang kasal, nagdaos ang magkasintahan ng welcome dinner  para sa kanilang mga bisita sa Trelawn Place guest house. 

Ang 32-year-old actress ay nagkaroon ng “secret” bachelorette party  sa Los Angeles, na inorganisa ng kanyang kapatid na si Jasmine. Kasunod nito ay nagkaroon sina Anne at Erwan ng koreanovela-inspired prenuptial photo shoot sa South Korea.

Naging malihim sina Anne at Erwan  sa mga detalye ng kanilang wedding preparation, at iginiit na nais nilang maging pribado ang kanilang special day hangga’t maaari.

Sa mga nakaraang panayam, sinabi ni Anne na walang magbabago sa kanyang career direction pagkatapos ng kasal.