Ni: Kate Louise Javier

Patay ang isang babae habang tatlong katao, kabilang ang 13-anyos na lalaki, ang sugatan matapos magpaulan ng bala ang mga armadong lulan sa motorsiklo malapit sa isang bingo session sa Caloocan City, nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Police Officer 1 John Ree Bello, may hawak ng kaso, dead on the spot si Zenaida Delos Santos, 48, ng Dahlia Street, Barrio San Jose, Barangay 187, Tala, Caloocan City. Siya ay nagtamo ng mga bala sa katawan.

Sugatan naman sina Harwyn Bongon, 13; Michael Medalia, 20; at Liza Oliosa, 34, na pawang nadaplisan ng bala at taga-Dahlia Street.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakikipagkuwentuhan si Medalia sa kanyang kaibigan malapit sa bingo session sa Dahlia Street nang pagbabarilin ng mga suspek, bandang 2:30 ng hapon.

Si Balmores, na nasa tabi ni Medalia, ay tinamaan din ng bala sa kaliwang kamay.

Kahit may tama sa tiyan, nagawang tumakbo ni Medalia ngunit hinabol siya ng isa sa mga armado, ayon sa saksi.

Binaril din ng armado, na dumaan sa bingo session habang hinahabol si Medalia, nang paulit-ulit si Delos Santos na naging sanhi ng kanyang pagkamatay, habang nadaplisan naman si Oliosa sa kanang paa.

Agad isinugod sa Tala Hospital sina Balmores at Oliosa.

Kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon upang malaman ang motibo at maaresto ang mga suspek.