Ni: Liezle Basa Iñigo

Isang miyembro ng sinasabing communist terrorist (CT) group sa ilalim ng Venerando Villacilio Command ng New People’s Army (NPA) ang napatay habang 10 tauhan ng Philippine Army ang nasugatan sa engkuwentro nitong Huwebes sa Barangay Sanguit sa Dupax Del Sur, Nueva Viscaya.

Nabatid mula sa Northern Luzon Command (NoLCom) na nagsasagawa umano ng operasyon sa hangganan ng Nueva Vizcaya at Quirino ang grupo nang mga suspek nang makasagupaan ang militar.

Iniulat ni Lt. Col. Isagani Nato, tagapagsalita ng NoLCom, na nangyari ang engkuwentro sa pagitan ng tropa ng 84th Infantry Battalion, 7th Infantry Division, Philippine Army, at NPA dakong 8:30 umaga nitong Huwebes sa Bgy. Sanguit, Dupax Del Sur.

Probinsya

DepEd Antique, nagsalita tungkol sa principal na 'tumalak' sa graduation rites

Kaagad namang kumilos si Dupaz Del Sur Mayor Ruben Basconcillo Jr. at itinawag ang pangangailangan ng ambulansiya kay Gov. Carlos Padilla para mabilis na malapatan ng lunas ang mga sugatang sundalo.