Ni: Nitz Miralles

ANG daming kinilig sa latest post ni Rachelle Ann Go ng picture ng fiance niyang si Martin Spies na may dalang bouquet of flowers nang bisitahin siya. Dagdag na kilig pa ang caption ni Rachelle na, “What a dream! Thank you for visiting me... I cannot wait to marry you!”

Rachel at copy copy

Tila mahilig magbigay ng bulaklak ang fiance ni Rachelle dahil may post din siya ng bulaklak na bigay nito sa kanya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya, hayun ang female population, inggit na inggit kay Rachelle dahil hindi lang guwapo ang kanyang fiance kundi sweet pa.

Mukhang dito sa Pilipinas gaganapin ang kasal nina Rachel at ni Martin Spies dahil si Teena Barretto ang kinuha nilang wedding planner. Noong nandito ang fiance ni Rachel, nakipagkita na sila kay Teena at sabi mismo ni Rachel, “I am so glad that we are working with this amazing woman” na ang tinutukoy ay si Teena.

Ang hintayin na lang natin ay ang announcement kung kailan ang kasal nina Rachel at Martin Spies.