Ni JIMI ESCALA

KASALUKUYANG pinaplantsa ang isang TV show na pagsasamahan nina Kris Aquino at Willie Revillame.

Ito ang ibinalita sa amin ng isang ABS-CBN insider. Although hindi siya konektado sa GMA-7 na mag-eere ng inihahandang show nina Kris at Willie, pero malakas daw ang kutob niya na matutuloy na ito.

Willie copy copy

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

Balita pa ng source namin, hinarangan daw ng isang maimpluwensiyang executive ang grand welcome sana ni Kris sa Wowowin ni Willie Revillame.

Although gustung-gusto ni Willie na sa game show niya magbalik-TV ang Queen of All Media, wala raw namang magawa ang TV host sa ginawang paghaharang ng kilalang executive.

Pero this time, si Willie na raw mismo ang gumawa ng paraan at sa bagong show na nga na kung hindi papasa bilang “station produced” ay ang host/producer ng Wowowin ang aasikaso para maging “blocktimer” ang programa nila.

Well, abangan na lang natin, huh!