Ni NITZ MIRALLES

GUMAWA ng ingay ang picture na ipinost ni Ogie Alcasid sa Instagram (IG) na kasama nila ni Regine Velasquez ang security personnel sa concert nila sa Las Vegas. Masaya ang grupo at nagpasalamat si Ogie sa pag-aalaga sa kanila.

Nagkaroon lang ng konting ingay dahil braless si Regine sa picture. May mga umalmang fans ni Songbird, bakit daw lumabas si Regine at nagpakuha ng picture at ipinost pa na wala siyang bra? Para sa kanila, mali ang ginawa ni Regine na kinakitaan ng bakat na nipples.

Pero, mas marami ang nagtanggol sa kanya at ipinaalala sa mga umalmang fans na hindi talaga mahilig magsuot ng bra si Regine. Pati nga sa mga interview, inaamin ni Regine na hindi niya favorite magsuot ng bra.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Siguradong nabasa nina Ogie at Regine ang comments at natawa rin sila sa nag-comment na, “You will forever be loved by your fans Regine... with or without BRA...LOL!!!”

Puro sold out ang mga show nina Ogie at Regine mula sa Pittsburg, Las Vegas at New York. Pati ang show sa San Diego sa November 11 at show sa New York sa Nov. 12.

Tama, with or without bra, pasabog lagi ang performance ni Regine.