HINDI maikakaila na nabuhay at lumakas ang tropa ng Jose Rizal College men’s basketball team sa pangangasiwa ng tinaguriang ‘Aerial Voyager’ ng PBA na si Vergel Meneses.

meneses copy

Sa walong season bilang coach ng Heavy Bombers, nabansagan ang JRU bilang title-contender at nagawang makaabante sa Final Four sa limang pagkakataon. Tangan ni Meneses ang impresibong marka sa JRU sa 83-67.

Mismong si Ervin Grospe ay hindi naitago ang paghanga at respeto kay Meneses na aniya’y instrumento sa paghubog ng kanyang talento at tinatanaw na utang na loob ang mga natutunan sa one-time PBA MVP sa kinahinatna ng kanyang career matapos magtapos sa JRU.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

“Strict siya sa practice pero sobrang madami ka naman ang matututunan sa kanya at bibigyan ka ng confidence sa laro,” pahayag ni Grospe.

Bukod kay Grospe, ilan sa napaangat ni Meneses ang collegiate career nina Philip Paniamogan, Paolo Pontejos, Gio Lasquety, Jexter Apinan, at Bryan Villarias.

Sinusunod ni Meneses ang mantra na ‘defense is the best offense’ kung kaya’t hindi matatawaran ang katatagan ng Bombers mula nang hawakan ng dating PBA superstar.

Sa kabuuan ng career bilang coach sa collegiate league, napatunayan ng JRU na hindi pipitsugin ang Bombers at kayang makipagsabayan sa mga eskwelahan na higit na mas may malawak na programa sa basketball.

Matikas ang Bombers sa kabuuan ng elimination ngayong season, ngunit kinapos sa San Sebastian College sa stepladder semifinals.

Sa susunod na season, graduate na sina Grospe at Lasquety, ngunit ang pagbabalik aksiyon ni Darius Estrella mula sa injury ay inaasahang magpapanatili sa lakas ng Bombers.

Maaaahan pa rin sina Jed Mendoza at MJ Dela Virgen, gayundin ang mga bagong recruit.