Ni NITZ MIRALLES

BIRTHDAY nitong Sabado, November 4 ni Angelica Panganiban at kasabay ng 31st birthday niya ang realization na dapat unahing mahalin ang sarili bago magmahal sa iba.

KIM ANGELICA AT BELA copy

Ang ganda-ganda ng birthday message ng aktres para sa kanyang sarili.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Natapos ang lahat magmula nang tinalikuran ko ang sakit. Magmula nu’ng hinarap ko ang sarili ko. Kinilala at minahal. Ang pinakamagandang regalo pala talaga ng buhay ay ang mahalin ang sarili. At mahalin ang mga taong nagbibigay ng halaga sa ano ka at paano ka at sino ka. Mas masarap pala ang maging malaya. Mas masarap pala ang unahin ang sarili. Puwede palang maging madamot. Puwede palang hindi na abusuhin. Puwede palang tumalikod. Puwede palang mang-iwan. Puwede palang tumawa nang wagas. Maging masaya dahil masaya ka lang. Puwede mo palang mahalin naman ang sarili mo. Madami palang puwede. Pero ang importante, puwede maging maligaya at hindi na kailangan umasa sa iba.

Maraming salamat sa lahat ng nagtiyaga sa ‘kin. Salamat sa lahat ng nagparamdam ng pagmamahal sa makabuluhang araw ng buhay ko. Pangakong itutuloy ko ito. Ang mahalin ang sarili ko.”

May birthday message kay Angelica si Carlo Aquino na matatandaang naging ex-boyfriend niya. Dahil sa birthday message ng aktor, may nag-wish na sana ay magkabalikan sila. Hindi nga lang pupuwede dahil engaged na si Carlo sa non-showbiz girl na karelasyon niya for nine years na.

“Isang malaking bahagi ng kabataan ko... sa tuwing ikaw ang pinag-uusapan pag-ibig lang namumutawi sa isip ko dahil ‘yun ang ‘binibigay mo at hinahandog sa mundong ito sana’y matugunan na din ‘yun. Tunay ka, Gel. Happy Birthday.”

Best friends ni Angelica sina Glaiza de Castro, Kim Chiu at Bela Padilla. May birthday message rin sa kanya si Kim.

“Happy Birthday to this beautiful and one of the strongest women I know!!! Momsh @iamangelicap happy happy birthday I’m so blessed to have known you more this year, wish ko sa ‘yo moms maging sobrang happy ka, you deserve all the love and happiness that this world can offer dahil sobra ka din magbigay ng pagmamahal sa ibang tao! Happy kami na sobrang happy ka ngayon!!! Andito lang kami lagi moms sa lahat ng trip natin in life go lang! Cheers to more laughters in life!!! Love you!!!”

Samantala, sa January 2018 (wala pang eksaktong petsa) ang playdate ng pelikula nina Angelica at Judy Ann Santos na Ang Dalawang Mrs. Reyes. Nag-shooting ang dalawa sa Taipe, Taiwan kasama sina JC de Vera at Joross Gamboa. Mula ito sa direksiyon ni Jun Lana at co-production ng Quantum Films, Star Cinema at IdeaFirst Company.