Nina CHITO A. CHAVEZ at AARON B. RECUENCO

Simula sa Nobyembre 9, ipagbabawal ang air operations sa Manila at mga katabing lalawigan sa lahat ng uri ng sasakyang panghimpapawid sa paglatag ng maximum security preparations para sa paparating na 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Idiniin ni Catalino Cuy, officer-in-charge (OIC) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Chairman ng Committee on Security, Peace and Order, Emergency Preparedness and Response (CSPOEPR), ang No Fly Zone sa mga sumusunod na petsa, oras at lugar:

Nobyembre 9 hanggang 14 (6AM hanggang 10PM) at Nob. 15 (4AM-5PM), sa Clarkfield Special Economic and Freeport Zone sa Pampanga

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Nob. 12-15 (6AM-5PM) sa Rizal Park sa Manila.

Nob. 12 (6 AM- 11 PM), Nob. 13-14 (6AM- 10 PM), Nob. 15 (4AM- 5PM) sa Manila

Binanggit din ni Cuy na na nakatakda ang No Drone Operations sa Clark, Pampanga at Rizal Park sa Manila sa Nob. 9-17.

Isasara rin ang Sangley Airport sa Cavite, Plaridel Airport sa Bulacan, at Subic International Airport sa Olongapo sa civilian aircraft operations sa Nob. 9-15 mula 6AM-5PM.

Sa kabilang dako, ipatutupad ang No Landing sa Runway 13 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Nob. 12-15 mula sa 6AM-5 PM.

Tanging departure flights ang pahihintulutan sa runway sa panahong ito.

Ipatutupad din ang No Take-Off sa Runway 31 sa mga parehong petsa.

“We are covering all the bases to ensure the safety and security of our ASEAN delegates including their mobility and transfer from one place to another,” banggit ni Cuy.

“We appeal to all our kababayans and the business community who will be affected by the restrictions, please bear with us in the next few days,” dagdag niya.

Ang mga nabanggit na pagbabawal ay mahigpit na susubaybayan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), isa sa mga kasaping ahensiya ng CSPOEPR na inatasang mamamahala sa kaligtasan at seguridad para sa ASEAN Summit.

FULL ALERT

Samantala, simula sa Miyerkules ang lahat ng puwersa ng pulisya sa Metro Manila at dalawang karatig na lalawigan ay nasa pinakamataas na highest security alert status.

Sinabi ni Director General Ronald dela Rosa, hepe ng Philippine National Police (PNP), na magkakabisa ang full alert status sa Nobyembre 8-15 at sasakupin ang National Capital Region Police Office (NCRPO), Central Luzon, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Muli ring iginiit ni Dela Rosa na wala silang namo-monitor na anumang seryosong bansa sa pagdaraos ng ASEAN summit sa bansa ngayong taon.

“We are prepared, we are focused on this event specifically in the areas of engagement,” ani Dela Rosa.