Ni NITZ MIRALLES

HANGGANG bukas pa mananatili sa Thailand sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Carla Abellana at Alden Richards, kaya bukas naririto na sila sa Pilipinas. Naroroon sila para mag-promote ng kanilang teleserye na ipalalabas doon.

Alden Richards, Helen Sese, Dennis Trillo, Carla Abellana & Tom Rodriguez copy copy

Nag-promote sina Dennis, Tom at Carla nag-promote ng My Husband’s Lover at si Alden ay nag-promote ng One True Love.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Paglapag ng apat sa Suvarnabhumi Airport, sinalubong sila ng TV crew ng network na nagpapalabas ng dalawang teleserye ng GMA-7. Ininterbyu ang apat at binigyan ng mga bulaklak.

Naimbita ang apat via the partnership of GMA Worldwide Inc.. at JKN Global Media. Ang launching para sa airing ng My Husband’s Lover at One True Love ay tinawag na Mega Showcase Event: Diamond Gold.

Pagbabalik nila ng Pilipinas, balik sa taping ng The One That Got Away si Dennis; may gagawing pelikula si Tom at maggi-guest muna si Carla sa iba’t ibang show ng GMA-7 habang naghihintay ng bagong teleserye.

Sasabak naman si Alden sa taping ng isang special episode ng Magpakailanman featuring the story of a soldier na isa sa mga lumaban sa Marawi. Ang sabi ng makausap naming EP ng Magpakailanman, sa November 10 magti-taping si Alden.

Hintayin natin kung masusunod ang schedule na ito at hintayin din natin ang announcement kung kaninong life story ang ipo-portray ni Alden.