Ni: Reggee Bonoan

INILUNSAD ang CityMall Cinema sa Imus, Cavite noong Setyembre 1 na dinaluhan nina KZ Tandingan, Moira de la Torre, Kaye Cal, Michael Pangilinan, Klarisse de Guzman at ang mga bida ng Love You to the Stars and Back na sina Joshua Garcia at Julia Barretto na kasalukuyang palabas noon.

Sumunod ang CityMall Cinema Consolacion Cebu noong Setyembre 29 na dinaluhan ni Piolo Pascual, isa sa mga bida ng Last Night na palabas din noon, Citymall Tagum Davao noong Oktubre 20, at pang-apat ang Citymall Sta. Rosa, Nueva Ecija nitong Nobyembre 3 na sina Christian Bables at Kakai Bautista naman ang bisita para sa pelikulang The Ghost Bride na kasalukuyang palabas ngayon at dinaluhan din ng local government unit ng bayan sa pangunguna nina Mayor Marita Angeles, Vice Mayor Boyet Angeles at CityMall head for Corporate Affairs Jonathan Umali.

Nakikipagpagtulungan ang ABS-CBN at Star Cinema sa community mall developer na CityMall Commercial Centers para mapanood ang lahat ng pelikulang produced nila sa mga probinsiya sa mas mababang halaga.

Tsika at Intriga

Sue Ramirez, inurirat sa viral pictures nila ni Dominic Roque

Ayon sa presidente ng ABS-CBN na si Ginoong Carlo Katigbak during the contract signing, “In our partnership with CityMall, I’m happy to say that our movies will now be made available in areas where they weren’t available before.

Si Ms. Malou Santos ang nag-suggest na ibaba ang presyo ng bayad sa sine na P150 kumpara sa Metro Manila at iba pang malls sa probinsiya na nagkakahalaga ng P280.

“Para provincial rate raw, “sabi sa amin ni Ms. Elena Ranon-Mercado, head publicity officer ng CityMall.

Malaking kabawasan naman talaga ang P130 dahil puwede na itong pambili ng meryenda habang nanonood ng sine sa alinmang sangay ng Citymall Cinemas sa buong Pilipinas.

Samantala, umaasang magiging operational ang 100 CityMall cinemas sa 2020.

Ang mga susunod na CityMall cinema na ilulunsad bago matapos ang 2017 ay ang CityMall Cinema Dumaguete, Nobyembre 17; CityMall Cinema Mandalagan and CityMall Victorias, Disyembre 1 at CityMall Cinema Boracay, Disyembre 15.

Sakto naman dahil ayon kay Mico del Rosario, publicity manager ng Star Cinema ay may pelikula silang ipalalabas linggu-linggo tulad ng action movie ni Stephen Yeun (Walking Dead star) na Mayhem sa Nobyembre 8, Fallback sa Nobyembre 15 at iba pa.