Isa nang malamig na bangkay nang madiskubre ang isang lalaki na nagbigti sa loob ng kanilang bahay, kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ni SPO4 Joselito Gagasa, desk officer ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), kinilala ang biktima na si Gary Andes, 38, operator at PUJ driver, at nakatira sa Block 225, Lot 16 Phase 8 North Fairview, Quezon City.

Ayon kay SPO4 Gagasa, natagpuan ni Maricris, maybahay ng biktima, si Gary na nakabigti sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, pasado 5:00 ng umaga.

Lumitaw sa imbestigasyon na bago ang insidente, nag-away sina Gary at Maricris dahil tumanggi umano ang huli na sumiping sa una hanggang sa nauwi sa tampuhan at away.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil dito, naghiwalay ng tulugan ang mag-asawa hanggang sa tuluyang nadiskubre ni Maricris ang nakabigting mister. - Jun Fabon