WALANG nakikitang problema sila Jason Francisco kung magkahiwalay man sila ng network ng kanyang asawang si Melai Cantiveros.

Nasa pangangalaga na ngayon ng PPL Entertainment ni Perry Lansigan si Jason samatalang si Melai ay nananatili sa Star Magic ng ABS-CBN. Kahit magkahiwalay na ng management, tuloy pa rin naman daw ang buhay.

Jason at Melai
Jason at Melai
Kuwento ni Jason, ang co-host ni Melai sa Magandang Buhay na si Jolina Magdangal ang nagpakilala sa kanya kay Perry na madali nilang nakasundo.

“Matagal na rin naman kasi ako sa ABS-CBN, almost eight years na, so heto, panibago naman, parang bagong sorroundings, lahat bagong experience,” sey ni Jason.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dagdag pa ni Jason, wala siyang tampo sa ABS-CBN at nagpapasalamat siya sa walong taon na pangangalaga ng Dos sa kanya.

“Very thankful ako sa kanila kasi doon ako nagsimula. Hindi ko naman mai-experience ang showbiz kung hindi ako sumali sa PBB. Wala po ito sa isip ko dati. Ang ABS-CBN ang nag-open sa akin ng pinto sa showbiz,” aniya.

Sa TV network lang naman daw sila magkakahiwalay ni Melai, dahil pagdating nila sa bahay ay magkasama sila.

“Doon lang po sa bahay namin. Iisa ang inuuwian namin, so, walang problema, di ba?” ani Jason. Desisyon ni Jason ang paglipat ng network n a suportado naman ng kanyang misis. --Jimi Escala