Mga laro ngayon (Araneta Coliseum)

2 n.h. -- UE vs FEU

4 n.h. -- UP vs Adamson

PATULOY ang agawan sa No. 4 spot ng Final Four round habang gusto namang masiguro ng Adamson ang third spot sa pagpapatuloy ngayon ng second round ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sasalang sa nakatakdang double header ngayong hapon ang dalawang koponang kasalukuyang magkasalo sa ika-apat na posisyon -ang season host Far Eastern University at University of the Philippines gayundin ang isa pang koponang naghahabol- ang University of the East.

Taglay kapwa ng Tamaraws at Fighting Maroons ang markang 5-6,habang ang Red Warriors at may barahang 3-9.

Sakaling may maka-anim na panalo alinman sa FEU at UP, tapos na ang paghahabol ng UE at ang sinusundan na lamang nilang National University (4-7) na may laban kahapon kontra De La Salle habang isinasara ang pahinang ito.

Makakasagupa ng Tamaraws ang Red Warriors sa unang laro ganap na 2:00 ng hapon habang makakatunggali ng Maroons ang Falcons (8-4) na target namang makopo ang pang-siyam na panalo na pormal na magluluklok sa kanila sa ikatlong Final Four spot. - Marivic Awitan