Dalawang beses na namang nagpababa ng mga pasahero ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 kahapon dahil sa magkasunod na aberya sa mga tren nito.

Batay sa abiso ng MRT-3, unang nagpababa ng mga pasahero ang isa nilang tren sa northbound ng Ayala Station dakong 10:35 ng umaga, na naulit pa bandang 12:10 ng tanghali, sa southbound naman ng Cubao Station.

Parehong technical problem ang itinuturong dahilan ng magkasunod na aberya. - Mary Ann Santiago
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador