Ni LITO T. MAÑAGO

NGAYONG araw, November 4 (Bolivian time) magaganap ang coronation night ng Reina Hispanoamericana (RH) 2017 na ang kumakatawan sa Pilipinas ay ang Kapuso actress at kauna-unahang winner ng Reina Hispanoamericana Filipinas sa Miss World 2017 pageant na si Winwyn Marquez. 

Winywyn copy copy

Sa pre-pageant activities ng RH sa Santa Cruz de la Sierra sa Bolivia, humakot si Winwyn ng sangkaterbang special awards. 

ALAMIN: Book launching ng ilang manunulat para MIBF 2024

Ipinagkaloob sa panganay na anak nina Joey Marquez at Alma Moreno ang titulong Miss Ipanema, Miss Intelligence (1st Runner-up), Miss Silueta Philips (swimsuit), Top 3 Best National Costume, Top 3 Miss Deporta (Miss Sport) at Top 5 Best Smile. 

Bago tuluyang lumipad patungong Bolivia, nangako si Winwyn na pagsisikapan at gagawin niya ang lahat upang makamit ang korona at titulo ng Reina Hispanoamericana 2017 at patunayan din sa kanyang detractors na kayang-kaya niyang talunin ang iba pang nagagandahan ding kandidata sa pageant. 

Binatikos ng netizens ang girlfriend ni Mark Herras dahil sa kanyang height. Maliit daw siya sa tangkad na 5’6” bilang beauty queen. 

Sa pamamagitan ng Instagram story, nag-post si Winwyn ng kanyang reaksiyon tungkol dito. 

“Why can’t you move on with my height? Am I the only 5’6” woman that joined a pageant sa buong mundo? I may be shorter than them but will that stop me from performing 110% for my country? NO.” 

Sa mga nababasa namin sa social media, mukhang nagiging paborito at matunog si Winwyn to clinch the crown. Bukod sa ‘Pinas, siya rin ang kauna-unahang RH beauty delegate mula sa Asya.